Ang alamat ng suso
Sa di pa nakakaalam ako ay may mala-superman na katangian( sa teorya ni Carl Jung malakas daw ang hero archetype ko). Hobby ko na ang tumulong sa iba, sumalo sa mga taong nahuhulog, languyin ang mga nalulunod at higit sa lahat mahilig akong isalba ang ibang tao sa sarili nila mismo. Mahilig ako sa dramang, “il be your crying shoulder“, “il be here for you”, “il take your sadness away“, “papautangin kiTa” at kung anu anu pang kalokohang naiisip ko (ha ha).
Bakit nga ba ako nakipagpustahan sa sarili ko? Ha! ha! may tao kasi akong nakilala, diyan lang din sa tabi tabi. Isang mahika ang nagtagpo sa amin, wala lang gusto ko lang isipin na isang mahika kung bakit kami nagkakila (whatever yaya your such a loser ha ha!). Kakaiba kasi siya, very interesting ang personalidad kung may analogy para sa kanya, para siyang suso. (Tanung ko lang kumakain ba kayo ng suso? sa mga hindi kumakain hindi niyo maiintindihan ang sinasabi ko?). Para siyang suso, matigas sa labas pero sa loob malambot lambot at masarap (hindi ito bastos ok!) at kailangn mo ng matinding powers sa paghigop para lumabas ang tunay nyang ganda at sarap (hindi ulit ito bastos). Parang tulad niya, kailangn ko ng powers para lumabas ang totoong siya, yung mahina, yung natatakot, yung malambot (at lalong hindi ito bastos) in short ung TAO!!! Sa bawat araw na nagdaraan (mukhang pang pocketbook) at nakikilala ko siya, unti unti kong naisip na baka kailangn niya ng tulong (its time for superman). Kung mababasa to ng Ex ko for sure pagagalitan na naman ako, ha ha. Ok, para mas magandang pakinggan nais ko lang siyang mag-enjoy sa buhay, magtake ng risk, tumambling, tumawa, magpakabaliw gusto ko siyang sumayaw sa saliw ng buhay at gusto ko s_ _ _ (ha ha joke time, hindi ko siya gusto). Gusto ko syang maging masaya ung masayang masaya ung parang “masaya ako ngayon sobra at bukas pwede na akong mamatay“. yung tipong ganun. Ha ha. Magagawa ko kaya yun? Pero ang mas matinding tanung, “Magagawa ko kaya yun ng hindi nahuhulog sa patibong ng pag-ibig (Box-office pang pocketbook)? Mananalo kaya ako sa sarili ko? Tingin nyo?
