Friday, September 12, 2008

Bakit nga ba di ko sinali ito?

Mula ng sinulat ko ang “in this Tomboy’s Life” andaming nagreact. Madaming natuwa, madami nandiri, madaming sumalungat sa mga isulat ko at karamihan din ay gustong magdagdag ng mga hakbang na sa tingin nila ay akma sa panuntunan ng pagiging isang tomboy. Nais ko mang isulat ang lahat ng nais niyo pero ayaw ko namang magmukhang manyak kaming mga tibo noh? Anu ka! pasyensya na kapatid na Gang gang. Uu may katotohan ang sinasabi mo  ngunit  hindi lahat ng tomboy ay ganun. Meron pa rin namang mga tomboy na hopeless romatic na tulad ko. Ipagpatawad mo pero ang blog na ito ay medyo konserbatibo at makadiyos. Uu nakatutuwang isipin na ang salitang Tomboy ay ikinakabit ko sa salitang makaDiyos. Hindi ko muna bibigyang diin sa entry na ito ang Pagiging makaDiyos ng mga Tomboy sapagkat kailangn ng mahaba habang IM (intellectual Masturbation) yan, pero ipinapangako ko, isusulat ko din yan sa susunod na mga ARAW.

Kaya para sa yo na kapatid na GANG GANG, kung nais mong idagdag ang hakbang suhestyon mo ay mabuti pang isulat mo iyan sa sarili mong blog. Pwede kang magkaron ng isang libong makamundong hakbang kong nais mo.

Hanggang dito na lamang…

Posted by Oilah in 08:47:29 | Permalink | No Comments »