Wednesday, August 20, 2008

halo halong mga tanung?

naisip mo na bang tanungin ang sarili mo kung anu na ang nangyayari sayo. Kung anu na ang ginagawa mo sa buhay mo? Saan ka ba patutungo? anu ba ang nais mong marating, anu ba? gusto mo pa bang mabuhay o mamatay na? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon. di ko alam kung anu ako, sinu ba ako, anu ba gusto ko? In short my heart stops beating. No zest for life. wala lang, bigla ko nalang naisip, wala akong gusto? masyado ako manhid para masaktan, manghinayang o sobrang bobo na ako pra mag-isip.

Anu ba ako? anino nalang ba ako, o isang ilusyong hindi talaga nag-eexist sa mundong ibabaw. Wala nang pag-ibig sa bawat kilos ko. Parang lahat ng ginagawa ko ay isa lamang ritwal. wla wala akong maramdaman. wala nga bah? o masyado lng akong nasasaktan ngayon kya nagbabalat lng akong walang nararamdaman. Siya nga kaya? nagagalit ako sa sarili ko, naiinis ako. Anu ba tlga gusto ko? kung kailan may nakapalot ng iba dun ka nman naghinayang at bakit di ka lumingon at pulutin sya. Akala mo ikaw ang nagdadalawang isip sa relasyon nyo ngunit nung nalaman mong siya pala ang nagdadalawang isip kung mahal ka ba niya, bakit ka nasaktan? Akala ko nung nakahanap na ako ng isang taong katulad mo ding sinaktan at iniwan tulad ko parang perfect na ang lahat, prang dalawang bitter na tao natagpuan ang isat isa, kala ko perfect combination. pero hindi.

Takte, anu ba, ang hirap ispelingin ang buhay. Ang sakit na ksi di ko na kaya intindihin ang buhay, may pamilya kang pinapakain, iniintindi ang milyones na tuition fee ng kapatid mo, tatay na nagloloko, trabahong ayaw mo naman nagtitiis kalang kasi malaki sahod, studyanteng pasaway, karelasyong di mo maintindihan kung naiintindhan ba kung gaano kahirap ang nararamdaman mo ngayon. Uu nga pala dalawang araw din akong di nakakain, takte, sna man lang naisip nya na gutom na gutom ako noh? oh baka hindi lang nya ako mahal. hahaha well. Il quote ganggang “i hate this life”. i really hate this life. I hate me, i hate me. i hate me. i hate me.

uu tama ka, hindi ako manhid, kabaliktaran pa nga eh. nasasaktan ako, sobrang sakit, hindi lang usapang pag-ibig to ha, lahat lahat na. UU masakit na masakit na, Kaya ko pa kaya?

Posted by Oilah at 10:43:45 | Permalink | Comments (2)